Walang natira sa bahay ng isang senior citizen sa Barangay Anahao, Odiongan, Romblon matapos itong lamunin ng apoy nitong Biyernes, Nobyembre 7.
Ayon kay Warlito Ferrancullo, may-ari ng ng bahay, natutulog umano siya nang magising dahil sa narinig na tila pagsabog. Pagmulat umano niya, may bahagi na ng kanyang kwarto ang nasusunog, ngunit hindi matukoy kung saan nagsimula ang apoy.
Agad na tumakbo palabas si Ferrancullo upang iligtas ang sarili bago tuluyang kumalat ang apoy sa buong bahay.
Rumesponde kaagad ang Odiongan Fire Station at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ngunit mabilis na nilamon ng apoy ang bahay dahil gawa ito sa light materials. Wala ni isang gamit ang naisalba mula sa loob.
Patuloy ang imbestigasyon ng Odiongan Fire Station sa insidente.
Nagpahayag naman ang lokal na pamahalaan ng Odiongan na magbibigay sila ng relief goods at non-food items upang matulungan ang pamilya habang nagsisimula silang bumangon mula sa insidente.



































Discussion about this post