Naglatag si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes ng iba’t ibang repormang ipatutupad ng pamahalaan para mapalakas ang katapatan, integridad, at pananagutan sa mga proyektong pang-imprastraktura ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa isang press conference sa Malacañang, binigyang-diin ng Pangulo na layunin ng mga repormang ito ma maiwasang maulit ang mga isyu ng katiwalian sa mga proyekto ng imprastraktura at matiyak na ang pondo ng bayan ay nagagamit nang tama para sa kapakinabangan ng mga Pilipino.
“Upang masigurong maisusulong ang katapatan, integridad, at pananagutan sa pamahalaan, nagsasagawa tayo ng mga reporma sa iba’t ibang sektor ng ating bansa,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ipinahayag din ng Pangulo na kasalukuyang binubuo ang isang transparency portal na magbibigay sa publiko ng mas malawak na akses sa impormasyon hinggil sa mga proyekto ng pamahalaan — kabilang ang mga detalye tungkol sa mga kontratista, lokasyon ng proyekto, at estado ng implementasyon.
“Ibig sabihin, babantayan natin nang husto every step of the way. Bawat hakbang sa prosesong ito ay babantayan natin nang mabuti para ‘pag may nakita tayong hindi tama o labag sa patakaran, makikita natin kaagad at hindi na natin hahayaan na lumipas ang dalawa o tatlong taon bago ito madiskubre,” ayon sa Pangulo
Ayon kay Pangulong Marcos, ipatutupad ng kanyang administrasyon ang mga sistematikong reporma na nakatutok sa tatlong pangunahing larangan: transparency (pagiging bukas); data security (seguridad ng datos); at public involvement (partisipasyon ng publiko) sa pagsubaybay ng mga proyekto.
Kabilang dito ang mga reporma sa disenyo ng mga proyekto, na layuning mapahusay ang pagpaplano, mabawasan ang mga panganib, at matiyak na lahat ng proyekto ay batay sa datos at maayos na pag-aaral.
Binanggit din ng Pangulo ang mga reporma sa bidding at proseso ng pagbili upang mapalakas ang kompetisyon, katapatan, at integridad habang binibigyang-pansin ang mga posibleng panganib sa bawat yugto ng proseso nito.
Panghuli, reporma sa proseso ng pagbabayad para masigurong ang pondo ng pamahalaan ay mailalabas lamang sa mga proyektong nakumpleto o natapos at pumapasa sa pamantayan
.
“Dahil marami tayong nakita na ‘completed’ at bayad na pero hindi mo naman mahanap ‘yung proyekto — ghost project o substandard. Kaya’t patitibayin natin ang proseso para matiyak na lahat ng kontrata ay maipatupad nang maayos at kapaki-pakinabang,” sabi ng Pangulo
Ibinahagi rin ni Pangulong Marcos na pinag-aaralan ng pamahalaan ang paggamit ng smart technologies at artificial intelligence (AI) upang mapahusay ang pagsubaybay at pagtukoy ng iregularidad sa mga kontrata at implementasyon ng mga proyekto ng pamahala
an.
“Yung isang smart technology na gagamitin natin, titingin sa proseso ng kontrata para kapag may nakitang hindi tama ay makikita natin kaagad. Maglilista ‘yan, babalikan natin, at iimbestigahan natin kung bakit ganyan ang nangyari,” paliwanag ng Pangu
lo.
Dagdag pa ng Pangulo, gagamitin din ang mga teknolohiyang ito upang masuri ang kalidad ng konstruksiyon, matiyak na ang mga materyales na ginagamit ay akma sa tamang espesipikasyon, at ang mga proyekto ay matibay, ligtas, at epektibo.


































Discussion about this post