Ipatutupad na ng Land Transportation Office (LTO) simula Disyembre 1 ang pagbabawal sa pagdaan ng electric bicycles (e-bikes) at electric tricycles (e-trikes) sa mga national highway, ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao sa isang press conference nitong Biyernes.
Ayon kay Lacanilao, pangunahing layunin ng patakaran ang kaligtasan ng mga motorista, dahil hindi umano ligtas para sa mga e-bike at e-trike ang matataong national roads kung saan dumaraan ang malalaking sasakyan.
Sinabi ni Lacanilao na sa oras na mahuli, iimpound ang mga sasakyan dahil karamihan sa mga gumagamit nito ay walang driver’s license.
Magpapatupad din ang LTO ng mas malawak na information drive upang ipaalala sa mga gumagamit ng e-bike at e-trike na dapat silang gamitin lamang sa secondary roads at hindi sa pangunahing kalsada.




































Discussion about this post