Sumailalim sa pagsasanay ang mga tricycle driver at boat operator sa Calatrava upang mapahusay ang kanilang kaalaman sa wastong pakikitungo at pag-aasikaso sa mga turista, bilang bahagi ng pagpapalakas ng turismo sa bayan.
Pinangunahan ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Bong Fabella ang aktibidad na layuning itaas ang antas ng serbisyo ng mga itinuturing na tourism frontliners ng Calatrava.
Kasama sa training ang pagpapalago ng kanilang customer service at hospitality skills upang matiyak na maayos at positibo ang karanasan ng bawat bibisita sa lugar.
Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Fabella ang lahat ng lumahok sa pagsasanay at binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga drayber at boat operators sa paghubog ng impresyon ng mga turista sa kanilang bayan.
Ayon sa kaniya, ang mahusay na serbisyo ng mga frontline workers ay susi upang mas makilala ang Calatrava bilang isang maunlad at kaaya-ayang destinasyon.
Nakilahok ang mga kalahok sa iba’t ibang interactive sessions na naglalayong palakasin ang kanilang kakayahan sa pakikisalamuha sa mga bisita at magtulungan bilang iisang grupo ng tourism stakeholders. Bahagi rin ng programa ang pagpapalakas ng kanilang pagkakaisa at propesyonalismo bilang kinatawan ng bayan.
Matatandaang kamakailan ay inihayag ni Mayor Fabella ang layunin ng LGU na muling ipakilala sa publiko ang natatanging ganda, kultura, at likas na yaman ng Calatrava upang mas mapaunlad ang turismo at kabuhayan sa komunidad.




































Discussion about this post