Arestado ang isang 27-anyos na lalaki sa Odiongan, Romblon matapos siyang mabili ng pinatayong dahon ng marijuana sa halagang P500 noong Sabado ng umaga.
Kinilala ang suspek na si “John” na nahuli sa isang anti-illegal drug buy-bust operation na isinagawa ng Odiongan Municipal Police Station.
Ayon sa pulisya, nakuha sa kanya ang isang sachet ng ipinagbabawal na marijuana.
Dagdag pa rito, nang arestuhin si John, nakuha rin umano sa kanya ang iba pang sachet na naglalaman ng marijuana at pinaghihinalaang shabu.
Ayon sa ulat, dati na ring nakulong ang suspek dahil sa parehong kaso.
Ngayon, haharap si John sa mga kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




































Discussion about this post