Muling nagbabalik ang biyahe ng mga barko ng Starlite Ferries na may rutang Batangas-Odiongan at Odiogan Caticlan mula ngayong araw, October 2.
Ayon sa Starlite Feries, babiyahe ang kanilang barko ng alas-3 ng hapon mula Batangas patungong Odiongan ng Martes, Huwebes at Sabado. Babalik naman ng Batangas mula Odiongan ng Miyerkules, Biyernes at Linggo nang alas-3 ng hapon.
Maglalayag naman ang kanilang barko mula Odiongan patungong Caticlan ng Miyerkules, Biyernes at Linggo ng alas-2 ng madaling araw at babalik din sa parehong araw ng alas-10 ng umaga.
Discussion about this post