Namahagi ng mga toolkits ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ilang nakapiit sa Odiongan District Jail sa Odiongan, Romblon.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology, ang mga persons deprived of liberty na nabigyan ay nagsanay sa TESDA Romblon ng Bread and Pastry Production NC II kamakailan dahilan para maging benepisyaryo ng mga toolkits.
Personal na pinangunahan ni TESDA MIMAROPA Regional Director Angeline Carreon ang pamamahagi ng toolkits at ipinaunawa sa mga benepisyaryo ang kahalagahan ng programa at nang mga natutunan nilang skills sa pagsasanay.
Magagamit umano ng mga PDL na ito ang skills at toolkits na ibinigay sa kanilang ng TESDA para magtayo ng sariling negosyo paglabas nila ng Odiongan District Jail at magkaroon ng financial independence.
Nagpasalamat naman sa TESDA ang mga PDL sa patuloy na pagsuporta sa kanila kahit sila ay nasaloob ng piitan. Ayon kay Jail Warden SJ04 Norvel Dela Cruz, magpapatuloy ang partnership ng BJMP sa TESDA para mas mabigyan pa ng interventions ang mga PDL na nakapiit sa kanila.