Nasabat ng mga kapulisan at ng tauhan ng Department of Environment and Natural Resources ang mahigit P51K halagang pinutol na puno sa Barangay Taclobo sa bayan ng San Fernando, Romblon kaninang madaling araw.
Sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, madaling araw nang magsagawa ng anti-illegal logging operation sa lugar ang PNP at DENR.
Dito nila nakita ang 3 suspek na pawang mga residente ng bayan na naghihila ng halos 1,000 board feet ang dami ng puno.
Wala umanong mapakitang permit ang tatlong naaresto suspek kaya sila inaresto ng kapulisan habang ang mga nasabat na puno ay dinala na sa sub statio ng DENR sa Magdiwang.