Bahagyang humina ang bagyong Aghon habang patuloy na binabaybay ang Sibuyan Sea nitong hapon ng Sabado, May 25.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mata ng bagyong Aghon malapit sa coastal waters ng Sibuyan Island taglay ang lakas ng hangin na 45 km/h at bugsong aaot sa 70 km/h.
Dahil sa paglapit ng bagyo sa probinsya ng Romblon, itinaas na ng Pagasa ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa buong lalawigan ngayong hapon.
Asahan umano ngayon hanggang bukas ng hapon ang pag-uulan sa pobinsya na may kasamang pabugso-bugsong lakas ng hangin.
Inaasahang sa loob ng 12 na oras ay magla-landfall ang bagyo sa Marinduque bago dumiretso sa Batangas o Quezon.
Dahil parin sa bagyo, ilang pasahero na ng mga RORO ang stranded sa mga evacuation centers sa mga bayan ng Magdiwang at Romblon.
Naglatag na ng mga tent ang mga lokal na pamahalaan sa mga nabanggit na bayan na pansamantalang tutuluyan ng mga stranded na pasahero.
Ramdam na rin sa dalawang bayan ang maghapong ulan ayon sa ulat ng mga correspondent ng Romblon News Network sa mga lugar na ito.