Sa gitna ng nararanasang tag-init sa probinsya ay may nakaambang taas singil ang Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO) at Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) sa kanilang mga consumers ngayong buwan ng Abril base sa kalatas na inilabas nila.
Ayon kay Dennis Alag ng TIELCO, mula sa P6.9520/kWh na subsidized generation rate ay itataas ito sa P7.3900 o katumbas ng P0.4380/kWh na dagdag singil.
Bagama’t may nakaambang pagtaas, maliit parin ito kumpara sa sinisingil sa mga konektado sa National Grid Corporation of the Philippines dahil totoong ang totoong halaga ng kuryente o True Cost Generation Rate (TGCR) ay hindi sinisingil sa mga consumers bagkus ang subsidized generation rate lamang ang kanilang sinisingil.
Alinsunod ang pagtaas sa desisyon ng Energy Regulatory Commission sa petisyon ng National Power Corporation na dagdagan ang singil sa subsidized approved generate rate sa mga electric cooperatives na kasama sa Small Power Utilities Group o SPUG katulad ng TIELCO at ROMELCO.
Pahayag naman ng ROMELCO, ang pagtaas ay dahil sa epekto ng pagtaas sa presyo ng krudo na epekto parin ng TRAIN Law na nakaapekto sa mga generating power company na may diesel power plants.