May aabot sa 1,222 na mga Barangay Health Workers mula sa sampung munisipalidad sa Romblon ang nakatanggap ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng kanilang AICS or Assistance to Individuals in Crisis Situation program.
Ginanap ang payout nitong April 23-24 kung saan dinaluhan ng representative mula sa BHW Partylist, DSWD, at mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay DSWD Romblon team leader Abegail Fetilo, kabuoang P3,058,000 ang naipamahagi ng DSWD sa mga BHW. Mula umano sa AICS fund ng BHW Partylist ang ipinamahagi sa probinsya.
Sinabi ni Fetilo na inaasahang sa second batch ng distribution mabibigyan ang iba pang BHW mula sa natitirang munisipyo sa Romblon na hindi naisama sa naunang batch.