Makakaranas ng tatlong oras na total blackout ang Tablas Island, Romblon sa Sabado, April 20, para magkaroon ng emergency maintance sa planta ng SUWECO Tablas Energy Corporation Inc.
Ayon sa Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO), kinakailangang mag-install ng karagdagang genset ang SUWECO para matugunan ang demand ng isla.
Nitong nakaraang araw umano ay naital sa Tablas Island ang pinakamataas na peak demand ng Tablas na umabto sa 11.6Mw samantalang ang total dependable capacity ng STEC Diesel Power Plant ay 11.7 MW sa kasalukuyan.
Ang pagtaas ng demand ay dahil umano sa nararanasang maalinsangang panahon dala ng El Niño.
“Ang ibig sabihin nito, lahat ng makina ay tumatakbo sa peak hour ng gabi. Sa kadahilanang ang “peak demand’ sa gabi ay nasa ” RED ALERT STATUS”, minarapat ng STEC na maglagay pansamantala ng dalawang backup na makina at isang power transformer bilang reserba sakaling may masirang makina o kayay pampalit kung may gagawing maintenance ng mga tumatakbong units,” paliwanag ng TIELCO sa isang patalastas.
Magsisimula ang blackout alas-5 ng madaling araw at inaasahang matatapos alas-8 ng umaga.