Namahagi ng P100K na ayuda ang pamahalaang panlalawigan ng Romblon sa iba’t ibang grupo ng mga kababaihan sa buong lalawigan kamakailan para gamitin sa kanilang livelihood program.
Ang mga grupo ay mula sa iba’t ibang bayan sa probinsya ng Romblon
Ayon sa opisina ni Provincial Administrator Lizette Mortel, ang pondo ay mula sa Gender and Development Fund ng Pamahalaang Panlalawigan.
Pinangunahan ni Governor Jose Riano ang pamamahagi ng ayuda kasabay ng kanyang pagbati at pasasalamat sa mga kababaihan ngayong Women’s Month.
Sa isang pahayag naman, sinabi ni Sangguniang Panlalawigan member Nene Solis at Bing Solis na katuwang ng mga kababaihan ang pamahalaang panlalawigan para makamit ang nais nilang mga proyekto na popondohan ng P100,000.