Gustong paimbestigahan ni Congressman Eleandro Madrona na chairperson ng House Committee on Tourism ang operasyon ng isang resort sa Chocolate Hills sa Bohol na tila patuloy pa rin kahit ito’y ipinag-utos ang pansamantalang pagsasara noong nakaraang taon.
Ayon kay Madrona, nakababahala ang pagkakaroon ng resort sa isang protektadong lugar at UNESCO Heritage Site. May mga ulat din na hindi umano nakakuha ng Environmental Compliance Certificate ang resort ngunit patuloy pa rin itong nag-operate.
Sinabi ni Madrona na makakabuti na alamin ang resulta ng imbestigasyon at mga rekomendasyon ng Department of Environment and Natural Resources at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bohol sa isyung ito na nag-viral sa social media.
Payo ng mambabatas, sundin ang mga batas sa kalikasan at bigyan ng parusa ang mga lumalabag dito.