Opisyal nang inilunsad ngayong araw ng Bureau of Fire Protection – Romblon ang kanilang taunang pag-obserba sa Fire Prevention Month na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa”.
Sinabi ni Fire Inspector Gener Buenaventura, OIC ng BFP Romblon, na ang mga fire station mula sa Tablas at iba pang mga stakeholders ay nakiisa sa kick-off ceremony na ginanap sa bayan ng Odiongan.
“Taon-taong programa ito ng BFP para itaas ang level of awairness ng ating mga kasaman kasi recordwise tuwing dumadating ang ganitong tag-init, dito po nagkakaroon ng pagtaas ng sunog kaya pinapalakas natin ang kampanya,” pahayag ni Buenaventura sa ginanap na Kapihan sa PIA Romblon.
Layunin umano nito na maiwasan o di kaya ay mabawasan ang sunog sa probinsya ngayong taon.
Sa datus ng BFP Romblon noong nakaraang taon, may 21 sunog sa mga stactural ang naitala ng ahensya mas mababa ito ng 8 kumpara sa naitalang sunog noong 2022.
Mula naman Enero hanggang Pebrero ay may 6 nang naitalang stractural na sunog sa probinsya.
Bagama’t ang mga datus umano na ito ay hindi basehan kung epektibo ang kanilang kampanya, sinabi ni Buenaventura na ito ang pinaka-target ng kanilang ahensya.
Samantala, sa mga susunod na araw ay magkakaroon ng tree planting at fire roadshow ang BFP sa iba’t ibang lugar sa Romblon para parin ikampanya ang iwas sunog.