Nagbabala si Cajidiocan Mayor Greggy Ramos sa mga residente ng kanilang bayan na may iligal na connection sa kanilang water source.
Aniya, siya mismo ang mangunguna na kasuhan ang mga walang habas na “nagnanakaw” ng tubig gamit ang mga iligal na koneksyon na tubo.
“Binibigyan po natin ang May mga Babuyan, Manukan at Fish Pond na illegal naka Tap sa ating mga pipe at source na tanggalin ito bago matapos ang February at kung hindi anay ako po mismo ang mangunguna upang kayo ay makasohan,” pahayag nito sa isang social media post.
Paliwanag nito, nakakaranas ng mahinang tulo ng tubig at nagdudusa ang mga nasa-Sitio na nagbabayad ng monthly fee dahil sa mga iligal na connection.
Base umano sa datus ng lokal na pamahalaan, halos 50% nang nakakonek sa kanilang pipe line ay hindi nagbabayad ng monthly fee na P100 kada buwan.
Panawagan nito sa publiko na makipag-ugnayan na agad sa Treasurers Office para magpatala at magbayad ng monthly fee.
Sinabi rin nito na hihilingin niya sa Sangguniang Bayan ang pagbuo ng Local Water District o di kaya ay Local Water Maintenance Office na tangging trabaho at tutok lang ay ayusin ang serbisyo ng tubig sa bayan.