May dalawang asosasyon sa bayan ng Odiongan ang nakatanggap ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Mimaropa bilang bahagi ng kanilang Sustainable Livelihood Program (SLP).
Ang Odiongan SLP Association at North Side SLP Association ay nakatanggap ng P450,000 na ayuda mula sa ahensya para sa kanilang negosyo.
Kabilang sa mga tutukan ng dalawang grupong negosyo ay ang Hog-raising, Poultry Farming, Food Cart Business, at iba pang mga pangkabuhayan para sa kanilang mga miyembro.
Dumalo sa pagbibigay ng ayuda ang mga opisyal ng bayan ng Odiongan sa pangunguna ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic.