Ipinag-utos ni Mayor Marvin Greggy Ramos ang paghihigpit sa ilang batas trapiko sa bayan ng Cajidiocan simula nitong Lunes, January 15.
Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Ramos na inatasan niya ang Cajidiocan Municipal Police Station na bigyan ng citation tiket ang lahat ng mahuhuling nagmamaneho ng walang lisensya at lalabag sa ilang batas trapiko na ipinatutupad ng kanilang bayan.
Aniya, alinsunod ito sa ordinansang ipinasa ng kanilang Sangguniang Bayan para masigurong ligtas ang mga kalsada ng kanilang bayan.
Dahil sa pagpapatupad ng bagong kautusan, nagmistulang ghost town ang karamihang kalsada sa bayan dahil sa pagkaunti ng mga nagmamaneho ng sasakyan.
Aniya, sa unang araw nang pagpapatupad ng kautusan ay may halos 20 vioators ang nahuli ng mga miyembro ng kapulisan at pinagmulta ng P200.
Kaugnay nito, inaasahang sa darating na January 23 hanggang 25 ay magsasagawa ng mobile caravan ang Land Transportation Office sa bayan para bigyang pagkakataon ang mga residente na gusto kumuha ng lisensya ngunit walang panggastos pamasahe patungong Tablas island para kumuha ng permits.