Dalawang asosasyon sa bayan ng Looc, Romblon ang nakatanggap ng panimulang kapital mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Mimaropa sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Ayon kay SLP Provincial Coordinator Gare Gaa, 60 miyembro ang makikinabang sa kapital na ibinigay nila sa Polo at Pili SLP Association na parehong may proyektong babuyan.
Hinikayat din ni Garaa ang mga kalahok na gamitin ng wasto ang natanggap ng pondo upang mapalago ang sariling kakayahan at matamasa ang pangmatagalan na positibong epekto nito sa kanilang kabuhayan.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Looc sa pagtulong ng DSWD sa mga asosasyon na kasama rin sa mga naapektuhan ng pagtama sa bayan ng african swine fever.