Ipatatawag ng Sangguniang Bayan ng Odiongan ang pamunuan ng Divimart para magpaliwang kaugnay sa nahaharap na issue nito.
Sa ginanap na regular session ng Sangguniang Bayan nitong Lunes, sinabi ni Odiongan Vice Mayor Diven Dimaala na kailangang linawin ng Divimart ang nasabing issue para hindi mawala ang tiwala sa kanila ng tao at hindi mangyari sa itinatayong branch nila sa Odiongan ang kaparehong issue.
Nag-ugat ang issue matapos i-padlock ng Bureau of Internal Revenue ang iba’t ibang branch ng Divimart sa Pilipinas dahil sa problema sa buwis.
Inatasan ni Dimaala ang Committee on Ways and Means at Committee on Peace and Order para magsagawa ng pagpupulong kaugnay nito.
Inaasahang pag-uusapan din sa pagpupulong ang kasalukuyang status ng construction ng kanilang mall sa Barangay Dapawan kung saan ilang motorista ang nagrereklamo dahil sa minsahang pagbagal ng trapiko dahil sa mga trucks na patungo sa lugar.