Bida ang mga masasarap na pagkain mula sa limang Asian countries sa ginanap na HM Food Festival 2023, kauna-unahang food festival na isinagawa para ibida ang mga talente ng mga estudyante ng Hospitality Management ng Romblon State University (RSU).
Layunin ng food festival na maibda sa publiko at maging sa mga restaurant owners ang mga talento ng mga estudyante ng RSU.
Sa isang panayam, sinabi Daniel Fiel Fabello, faculty ng College of Business and Accountancy (CBA), na ang mga pagkaing kanilang ibinida ay mula sa mga bansa ng Vietnam, China, Malaysia, Korea, at Japan.
“Para sa amin ay to show ‘yung skills ng mga bata sa mga restaurant owners e, para in the future ay puwedeng mag-apply sa kanila kasi ang Hospitality Management ay hindi lang naman yan ‘yung mga waiter kasi future chef yan sila,” ayon kay Fabello.
Ibinahagi rin nito na mataas ang employment rate ng mga nagsisipagtapos ng kursong Hospitality Management dito sa local at sa abroad.
Samantala, ayon kay Mc Anthony Fruelda, faculty din ng CBA, hindi ito ang magiging huling food festival na gagawin ng kanilang mga estudyante dahil magiging tauanang event umano ito at magiging bahagi na ng culminating activity ng mga estudyante.