Aabot sa 84 na residente ng Magdiwang, Romblon na walang birth certificate ang personal na pinuntahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Romblon kamakailan para abutan ng Certificates of Live Birth (COLB). Nakalagay ito sa security papery at bahagi ng Philsys Birth Registration Assistance Project ng ahensya.
Ayon sa PSA Romblon, karamihan sa nabigyan ay mga miyembro ng IP sa lugar at kabilang sa poorest sector ng bayan kung saan walang kakayahang pumunta sa PSA para magpatala ng kanilang kapanganakan.
Ang mga nabigyan ng COLB ay tinulungan ding mairehistro sa National ID system ng gobyerno.
Personal na pinangasiwaan ni Chief Statistical Specialist Engr. Johnny Solis ang pamamahagi ng COLB kasama si Sandra Elena Famero, OIC Municipal Civil Registrar ng Magdiwang.
Samantala, nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo ng Philsys Birth Registration Assistance Project dahil ngayon umano ay may panghahawakan na silang authenticated copy na nagpapatunay ng kanilang kapanganakan.