Ito ang nais at mungkahi ni Odiongan Vice Mayor Diven Dimaala na pag-aaralan ng Sangguniang Bayan lalo na at marami na umanong gumagamit nito sa ngayon.
Sa isang FB post, sinabi ng bise alkalde na kahit estudyante na hindi dumaan sa pag-aaral ng mga batas sa kalsada ay nakakagamit ng mga e-bike.
“Masaya sumakay dito pero marami din ang walang lisensya, tumatawid sa mga barangay roads, municipal roads, at highway. At ang iba ay nag-papark lang din kung saan-saan,” ayon sa bise alkalde.
Sa isang panayam sa Romblon News Network, sinabi ng bise alkalde na sa susunod na linggo ay ipapaabot niya ito sa Sangguniang Bayan.
Ito ay para umano makahingi ng data mula sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang lokal na pamahalaan kaugnay sa mga e-bikes.