Nagkaroon nitong Lunes ng seminar sa Ferrol National High School sa Romblon kaugnay sa pagkakaroon ng Leprosy at Human Immunodeficiency Virus kung saan ang mga Senior High students ay dumalo.
Naging tagapagsalita dito si Mary Jane Faderogaya ng Romblon Provincial Hospital kung saan dito niya ipinaliwanag sa mga estudyante kung ano ang leprosy, kung paano ito makukuha at paano ito maiiwasan kabilang na ang tamang paghugas ng kamay.
Naging tagapagsalita naman tungkol sa HIV (human immunodeficiency virus) si Carlo Seravañes kung saan ipinaliwanag nito ang dahilan kung paano nahahawa na ang sakit.
Maliban dito ay nagkaroon rin ng HIV testing sa loob ng library para sa mga estudyanteng gustong magpatingin. Binigyan naman ng hygiene kits ang mga nagpa-test na mga estudyante.