Makakatanggap ng umento sa sahod ang mahigit 46,000 na minimum wage earners sa rehiyon ng Mimaropa sa susunod na buwan alinsunod sa bagong wage order na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.
Batay sa bagong kautusan, dagdag na P40 ang matatanggap ng mga minimum wage earners sa pribadong mga opisina.
Dahil dito, magiging P369 na ang sasahurin ng mga trabahador sa mga establisyementong may siyam pababang empleyado habang P395 naman sa may sampu pataas na mga empleyado.
Sakop ng kautusan ang mga probinsya ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan kasama ang mga siyudad ng Calapn at ang Puerto Princesa.
Ayon sa Department of Labor and Employment Mimaropa, Oktubre 24 nang aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang kautusan.
Samantala, dagdag P1,000 naman na umento sa sahod ng mga kasambahay sa rehiyon. Dahil dito, tataas na sa P5,500 ang sahod ng mga kasambahay sa susunod na buwan.
Hunyo ng nakaraang taon nang huling magpatupad ng wage hike ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Mimaropa.