May sampung magsasaka at mangingisda sa bayan ng Odiongan, Romblon ang nakatanggap ng indemnity check mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) nitong Lunes.
Ang mga ito ay may mga pananim at bangka na nasira dahil sa hindi inaasahang kalamidad.
Ayon kay Lucille Cristo, Focal Person ng PCIC Romblon, aabot sa P74,376 halaga ng indemnity check ang kanilang ipinamahagi sa Odiongan para sa mga nasirang pananim o bangka.
Bilang bahagi ng programa ng PCIC, tinutulungan nila ang mga magsasaka na magkaruon ng proteksyon laban sa mga epekto ng mga natural na kalamidad, mga peste, o iba pang sakit na maaaring makasira sa kanilang pananim, hayop, o bangka.