Sabay-sabay na nanumpa sa tahimik at maayos na eleksyon ang mahigit 500 na kandidato para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) na gaganapin sa katapusan ng buwan ng Oktubre.
Sa ginanap na Unity Walk, Prayer Rally and Peace Covenant Signing nitong October 4 sa Odiongan, nangako ang mga kandidato na kanilang paiiralin ang batas anumang oras at hindi makikiaalam sa pagpapatupad ng voting process ng Comelec.
Nangako rin ang mga tauhan ng gobyerno na makikiisa sa layuning maging tahimik ang BSKE 2023 sa bayan ng Odiongan.
Sa tala ng Commission on Elections, may mahigit 32,000 ang mga regular na botante sa Odiongan na inaasahang boboto sa Barangay Elections at mahigit 10,000 naman na botante ang boboto para sa Sangguniang Kabataan Elections.