Sumipa na sa 9.7% ang inflation rate sa lalawigan ng Romblon para sa buwan ng Setyembre, higit na mas mataas sa nakaraang mga buwan.
Ang nasabing inflation rate ay ang pinakamataas na naitalang headline inflation rate para sa taong kasalukuyan.
Batay sa datus ng Philippine Statistics Authority Romblon, nakaapekto sa pagtaas ng inflation ay ang pagtaas rin ng inflation ng iba’t ibang commodity groups kagaya ng Alcoholic Beverages and Tabacco na may 22.2% pagtaas noong September.
Tumaas rin ang inflation ng mga restaurants at accomodation services sa probinsya na nakaambag rin sa kabuoang inflation.
Malaki rin ang naging ambag ng food and non-alcoholic beverages at ang mga furnishings, household equipment, at maintenance sa mga bahay.