Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga pagkamatay ng mga baboy sa bayan ng San Fernando, Romblon dahil sa African Swine Fever (ASF), idineklara ng Sangguniang Bayan na under the “state of calamity” ang bayan. Ang deklarasyon ay sa pamamagitan ng SB Resolution No. 144 noong Oktubre 3.
Kaugnay nito at bilang pagtalima sa anunsyo ng Sangguniang Bayan ng San Fernando at alinsunod sa Section 6 ng Republic Act 7581 o mas kilala biilang Price Act, ipinatupad ng Depatment of Trade Industry (DTI) Mimaropa ang ‘price freeze’ sa ilang mga bilihin sa merkado sa bayan ng San Fernando na hindi lalagpas ng 60 araw.
Ilan lamang sa mga produktong isasailalim sa price freeze ay ang canned fish at iba pang mga produktong galing sa dagat, processed milk;,coffee, detergent soap, kandila, tinapay, iodized salt, instant noodles at bottled water.
Samantala, ang mga lalabag sa kautusan at kakikitaan ng violation ay maaaring patawan ng pagkakakulong na aabot sa isa (1) hanggang sampung (10) taon. Maaari ring pagmultahin ang mga ito ng halagang P5,000 hanggang P1,000,000.
Ipagpapatuloy naman ng DTI ang kanilang pag-iinspeksyon ng mga merkado sa iba pang mga apektadong probinsya sa susunod na mga linggo.