Nasagawa ng public hearing nitong Lunes sa Odiongan ang Regional Wage Board ng Mimaropa para pag-usapan ang kahilingang taasan ang minimum wage ng mga manggagawa sa rehiyon ng Mimaropa.
Ayon kay DTI OIC Regional Director Rodolfo Mariposque, P20 hanggang P70 pesos ang hinihiling na dagdag umento sa sahod ng mga mangagagawa sa Mimaropa.
Aniya, magsasagawa pa ng hiwalay na public hearing sa iba pang probinsya sa rehiyon para malaman rin ang hinaing ng ibang manggagawa sa ibang probinsya.
Inaasahang bago matapos ang Oktubre ay maglalabas na ng panibagong wage order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng Mimaropa kaugnay sa kahilingang dagdag sahod.
Sa ngayon ay nasa P329 hanggang P355 ang minimum wage ng mga manggagawa sa rehiyon ng Mimaropa. Ang huling wage order ay inaprubahan noong nakaraang taon lamang.