Opisyal nang idineklara ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos, Jr. na insurgency-free ang buong isla ng Palawan.
Ang deklarasyon ay isinagawa sa pagbubukas ng Selebrasyon ng National Peace Consciousness Month 2023 na isinagawa sa Lungsod ng Puerto Princesa sa pangunguna ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) katuwang ang RTF-ELCAC sa pangunguna naman ng National Intelligence Coordination Agency (NICA)-Mimaropa kung saan ang Pangulo ang panauhing pandangal at tagpagsalita dito.
Sa talumpati ng Pangulo, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagsusumikap ng Task Force ELCAC sa pagpapabalik ng mga rebelde sa lipunan. Kailangan aniya maramdaman ng bawat Pilipino na nandiyan ang bawat isa, kabilang ang lokal na pamahalaan upang mas mapadali ang usapan tungo sa kapayapaan.
Kinilala rin ng Pangulo ang mga nagawa ng Regional at Provincial Task Force ELCAC, Provincial Peace and Order Council, at mga katuwang na ahensya, gayundin ang mga mamamayan ng Palawan, na aniya’y susi sa pagkakamit ng insurgency-free status ng probinsya.
“It brings me great joy to be able to be with you to preside over the pronouncement of Palawan as an insurgency-free province and to lead the opening ceremony of this year’s National Consciousness Month. I cannot think of better way to open the celebration, the commemoration, of the National Consciousness Month and also, at the same time, be able to announce and to declare Palawan-island as an insurgency-free. I recognize of course the collaborative and inclusive effort of the Provincial and Regional ELCAC, Provincial Peace and Order Council, its partner agencies, and the people of the province for the successful implementation of the whole-of-the-nation approach to end local communist armed conflict. This led to the achievement of this insurgency free status for Palawan island,” bahagi ng pahayag ng Pangulo.
Sa programa, iprenisenta sa Pangulo ni Palawan Governor Victorino Dennis M. Socrates ang joint resolution ng Palawan Provincial Task Force – ELCAC at Provincial Peace and Order Council na nagsasaad ng inisyal na deklarasyon ng pagiging insurgency free ng lalawigan noong Disyembre 2002.
Si Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron naman ang nagpresenta sa Pangulo ng resolusyon ng Sangguniang Panlungsod na nagdideklara bilang Zone of Peace and Development ang Lungsod ng Puerto Princesa.
Sa huli binati ng Pangulo ang lahat at hinikayat nito na ipagpatuloy ang nasimulan nan ang sa gayon ay mas maging mapayapa ang Pilipinas at maging mapayapa ang buhay ng bawat Pilipino. (OCJ/PIA Mimaropa – Palawan)