Kinilala ng 2023 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ang mga bayan ng San Fernando at Odiongan sa Romblon bilang isa sa mga competitive na munisipyo sa bansa.
Ang pagkilala ay ginawad sa ginanap na Philippine Creative Cities and Municipalities Competitiveness Congress sa Manila Hotel nitong September 28, 2023 na inogranisa ng Department of Trade and Industry-Competitiveness Bureau.
Ang bayan ng Odiongan ay kinilala bilang top 2 most competitive na munisipyo pagdating sa Government Efficiency, mataas kumpara sa iba pang munisipyo na kabilang sa 1st at 2nd class municipalities.
Top 2 sa most competitive in Government Resiliency naman ang bayan ng San Fernando, Romblon kumpara sa iba pang LGUs na kasama sa 3rd at 4th class municipalties.
Personal na tinanggap ang mga pagkilala nina Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic at San Fernando Mayor Nanette Tansingco kasama si DTI Romblon Provincial Director Noel Flores.