Ikinasa sa Odiongan nitong weekend ang malawakang clean-up drive na inorganisa ng DENR Romblon bilang pagdiriwang sa International Coastal Clean-Up Day.
Batay sa tala ng PENRO Romblon, 519 ang nakiisa sa paglilinis sa bayan ng Odiongan.
Nagkaroon rin ng clean-up drive sa iba pang bahagi ng Romblon kung saan aabot sa 279 na sako o 1,122kg na basura ang nakolekta ng mga naglinis na volunteers, tauhan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, at lokal na pamahalaan.
Layunin ng aktibidad na ito na mamulat ng kamalayan sa lahat ng sektor tungkol sa krisis sa basura, at upang itaas ang pakikilahok ng lahat sa mga hakbang para sa kalinisan. (PJF)