Mahigit 200,000 botante ang inaasahang boboto sa probinsya ng Romblon sa darating na October 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections, ayon sa ulat ng Office Of The Provincial Election Supervisor ng Romblon.
Ibinahagi ng Office Of The Provincial Election Supervisor na aabot sa 212,912 ang nakapagrehistro na regular na botante sa lalawigan para sa Barangay elections sa susunod na buwan.
Pinakamarami ang boboto sa bayan ng Odiongan kung saan may 32,332 na botante ang rehistrado.
Samantala, 80,526 naman sa lalawigan ang puwedeng bumoto sa October 2023 Sangguniang Kabataan Elections.
Pinakamaraming botante parin sa bayan ng Odiongan na may 10,499 na botante at sinusundan ng Romblon na may 10,051 na botante.
Discussion about this post