Tatlong alkalde ng Romblon ang lumagda sa “Mayors for Good Governance (M4GG)” manifesto, isang samahan ng mga lokal na chief executives sa Pilipinas na nag lalayong itaguyod ang transparency, pananagutan, at etikal na pamumuno sa lahat ng antas ng pamahalaan.
ANG M4GG ay may isang malalim na pangako na itaguyod ang mga prinsipyong nagbibigay-diin sa mabuting pamamahala para sa kapakinabangan ng kanilang mga nasasakupan.
Ang tatlong indibidwal na pumirma ay kinikilalang si Mayor Trina Alejandra Q. Firmalo-Fabic ng Odiongan, Mayor Riza Pamorada ng Alcantara, at Mayor Gerard Montojo ng Rombon, Romblon.
Sa kasalukuyan at ayon sa datos noong ika-19 ng Agosto, mahigit 80 alkalde na sa buong Pilipinas ang opisyal na nagbigay ng kanilang lagda at suporta para sa M4GG.
Ang manifesto na ito, na opisyal na nilagdaan ng mga alkalde, ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa pinakamahusay na interes ng mamamayan ng Pilipinas.
Ito ay nagpapahiwatig ng kanilang matibay na layunin na itaguyod ang kapakanan ng kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng responsableng pamamahala.
The author is an intern of Romblon News Network taking Bachelor of Arts in Broadcasting at Polytechnic University of the Philippines.