Ngayong August 1 ay sinimulan nang ipatupad sa bayan ng Odiongan ang striktong pagsusuot ng helmet alinsunod sa Mandatory Wearing of Helmet ordinance na ipinasa ng Sangguniang Bayan.
Naatasan ang mga enforcers ng Odiongan Traffic and Management Unit (OTRU), ang Odiongan Municipal Police Station at mga barangay captains na manghuli ng mga motoristang walang helmet.
Sa unang araw nang pagpapatupad ay maraming mga motorcycle riders ay sinita na lang muna at binigyan ng warning ng mga tauhan ng OTRU. Bukas, ang mahuhuling hindi nakasuot ng helmet habang nakasakay sa motorsiklo ay magmumulta ng P500 hanggang P1,500.
Ayon sa ordinansa, ang pagsusuot ng helmet ay kailangan tuwing sasakay ng motorsiklo malayo man o malapit ang pupuntahan.