Aabot sa mahigit P35,000 na Romblomanon ang nairehistro ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa ginanap nilang ‘Barangayan’ mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2023.
Inikot ng Philhealth Romblon ang mga barangay sa buong probinsya para irehistro ang mga Romblomanon upang kanilang ma-avail ang mga programa ng Philhealth.
Ito ang ibinahagi ni Chief Social Insurance Officer Leandro Flores sa ginanap na UHC and KonSulTa Activity sa Wavefront Resort sa Odiongan, Romblon ngayong araw.
Tinipon ng Philhealth ang iba’t ibang information officers ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kasama ang mga representative ng mga ospital sa lalawigan para sa isang UHC and KonSulta Activity sa Odiongan.
Dito ay ibinahagi ng Philhealth Romblon ang mga programa ng kanilang ahensya lalo na ang paggamit ng PhilHealth Konsulta.
Ayon kay Flores, makikipag tie-up ang Philhealth sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para ma ipromote ang Konsulta program.
Sa ngayon ay 11 na hospital at rural health centers ang accredited ng Philhealth sa lalawigan para sa Konsulta program.
Ang Konsulta ay programa ng Philhealth kung saan makakapag-avail ang mga miyembro nito ng libreng konsulta sa doctor, lab test ang mga gamot.