Aabot sa 200 na naghahanap ng trabaho ang nakilahok sa isang araw na World Café of Opportunities ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa bayan ng Odiongan, Romblon ngayong araw, August 24.
Bahagi ito ng 29th anniversary ng ahensya kasabay ang paggunita ng National Technical-Vocational (Tech-Voc) Day.
Ayon kay Engr. Lynette Gatarin, OIC ng TESDA Romblon, may mga employeers na mula pa sa Metro Manila ang tumungo sa Romblon para sa isang araw na job hiring.
Mga trabaho sa local at international ang alok ng mga employeers na ito na ang hinahanap ay mga skilled workers na karamihan ay itinuturo ng TESDA sa kanilang vocational courses sa Romblon National Institute of Technology at iba pang partner schools.
Maliban sa job hiring, nagkaroon rin ng libreng gupit at masahe ang mga graduate ng TESDA para sa mga nakilahok sa programa.