Niyanig ng magnitude 2.9 na lindol ang bayan ng Santa Maria, Romblon bandang 7:40 ngayong August 19.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 5km South East ng bayan ng Santa Maria.
Naramdaman ang lindol hanggang sa bayan ng Calatrava.
ADVERTISEMENT
Ayon sa ilang residente ng lugar, napalabas sila sa kinakainang kainan sa Calatrava dahil sa naramdamang pagyanig.
Walang inaasahang aftershocks ang lindol ayon sa Phivolcs.