Iniulat ng Philippine Coast Guard na aabot lamang sa 95 ang sakay ng MBCA King Sto. Niño 7 na lumubog sa Tablas Strait sa Corcuera, Romblon taliwas sa unang naiulat ng PNP at Corcuera MDRRMC.
Ayon sa PCG, 90 ang pasaherong sakay ng bangka at 5 naman ang crew. 96 katao ang maximum capacity ng bangka na may bigat na 34.13 gross tonnages.
Umalis ang bangka alas-11 ng umaga sa Calatrava, Romblon patungong Simara island ngunit bandang 12:30 ng tanghali ay nakatanggap ng tawag distress call ang PCG.
Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng PCG sa lugar kasama ang iba pang volunteers at rescuers mula sa Provincial Gov’t at MDRRMO ng Corcuera.
Nailigtas nila ang 89 na pasahero kabilang na rito ang 10 mga bata, maging ang 5 crew ng bangka. Isa namang ang naiulat na nasawi dahil sa atake sa puso.