Mapapakinabangan na ng mga residente ng Sitio Agbuyong, Barangay Concepcion Sur sa Santa Maria, Romblon ang Solar-Powered Irrigation project ng National Irrigation Administration (NIA).
Ito ay matapos na pormal na maiturn-over ng NIA sa lokal na pamahalaan ng Santa Maria ang proyekto na inaasanag makakatulong ng malaki sa mga magsasaka sa barangay lalo na ngayong inaasahan ng bansa ang epekto ng El Niño.
Pinangunahan ni Mayor Lorilie Fabon at Vice Mayor Roland Largueza ang turn-over ceremony sa nasabing proyekto.
Sa isang pahayag, sinabi ni Engr. Ramel Fabon, agriculturist ng munisipyo, na matagal nang hinihiling ng Sitio ang magandang irrigation ngunit hindi kayang ipasok sa kanilang lugar ang isang multimillion irrigation project.
Aniya, pero sa tulong nitong proyektong pinapaandar ng renewable energy, ay naipakikita umano ng pamahalaan ang sensiridad nilang tulungan ang mga magsasaka.
Sinabi rin nito na inaasahan nila na magiging masagana na ang ani sa lugar at mgakakaroon ng mataas na kita ang mga magsasaka sa munisipyo.