Inamin ng Department of Agriculture na malabo pa sa panahon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang P20 na presyo ng kada kilo ng bigas sa bansa.
Ayon kay DA Undersecretary Mercedita Sombilla, maaring makamit lamang ang P20 kada kilo ng bigas kung magiging maayos ang produksyon nito sa bansa.
“As of now, parang hindi pa natin iyan maa-achieve but you know, in the long run, kapag talagang gumanda ang ating productivity and that is what DA is really aiming for, the govermnet is aiming for,” ayon kay Sombilla.
Sinabi pa ng DA Undersecretary na ang nangyayaring El Niño sa bansa ay nakaapekto sa presyo ng bigas.