LUNGSOD MG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Nakapagtapos ang 52 Police Regional Office (PRO) Mimaropa personnel sa isinagawang 15-day Police Explosive Reconnaisance Course (PERC). Isinagawa ang seremonya ng pagtatapos sa Hinirang Hall, RHQ Building, Camp BGen. Efigenio C Navarro noong Agosto 9, 2023. Pinangunahan ni PRO Mimaropa Regional Director PbGen. Joel B. Doria ang naturang gawain.
Ang PERC ay isang 15-day course na naglalayong mas paigtingin pa ang kakayahan ng mga kawani ng PNP hinggil sa military explosive ordinance detection, identification, explosive-related incident investigation, target analysis techniques, searching methods, at ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nasa insidente ng bomb threat.
Binigyang diin sa mensahe ni Doria na ang kalidad ng pagbibigay serbisyo ng mga pulis sa kanilang nasasakupan ay nakasalalay sa patuloy na paglinang ng mga kakayahan ng mga ito sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasanay.
Dagdag pa nito na sa panahon ngayon, ang pagresponde ng mga pulis sa mga bantang dulot ng mga bomb threats ay kinakailangang mas paigtingin para sa ikapapanatag ng mga mamamayan. (JJGS/PIA MIMAROPA – Oriental Mindoro)