Tuloy-tuloy ang ikinakasang checkpoint operation ng Land Transportation Office (LTO) – Romblon at Odiongan Municipal Police Station sa bayan ng Odiongan para hulihin ang mga lumalabag sa Land Transportation and Traffic Code ng Pilipinas.
Noong August 16, aabot sa dalawampu’t dalawang rider ang nabigyan ng Temporary Operator’s Permits matapos makitaan ng paglabag sa isinagawang operasyon ng dalawang ahensya sa national road sa Barangay Panique sa Odiongan. Ang operasyon ay ikinasa sa lugar mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Pinagbabayad ang mga natikitan ng kaukulang multa sa opisina ng LTO Romblon.
Maliban sa mga natikitan, aabot sa 11 na motorsiklo ang na-impound sa opisina ng LTO-Romblon dahil sa mga paglabag.
Muling nagpaalala ang Land Transportation Office sa publiko na sumunod sa ipinaiiral na batas trapiko para iwas multa.