Isinagawa nitong Miyerkules sa Odiongan ang isang rice planting festival na pinangunahan ng mga miyembro ng Mayha Farmers Association.
Ang programa ay bahagi ng Farmers Field School (FFS) on Rice Production na pinangasiwaan ng DA-Agricultural Training Institute Regional Training Center katuwang ang Municipal Agriculture Office ng Odiongan.
Mahigit kalahating ektarya ang natamnan ng palay na pagmamay-ari ni Gng. Alma Buenaflor kung saaan tinamnan ito ng ibat-ibang inbred rice variety tulad ng National Seed Industry Council (NCIC) Rice Varieties 216, 160, 218, 402 at 508.
Layunin nitong magbalik-aral ang mga magsasaka sa gawaing pang-agrikultura partikular sa rice production mag mula sa seed selection hanggang sa post-harvest handling.