Natapos na ng Department of Public Works and Highways – Romblon District Engineering Office ang pagpapatibay sa Buli Bridge sa bayan ng San Agustin, Romblon kamakailan.
Ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng P6.7 million ay naglalayong mas masigurong ligtas ang mga motoristang dadaan dito.
Sa isang press release, sinabi ng DPWH na mababawasan na ang vibration ng tulay kapag may dumadaan ditong malalaking sasakyan.
Sinisiguro rin umano nila na mas matibay na ngayon ang structural integrity ng nasabing tulay.
Pebrero ngayong taon nang simulan ang proyekto sa ilalim ng 2023 infrastructure program ng pamahalaan.