Binuksan na sa bayan ng Romblon, Romblon kamakailan ang bagong tayong Balay Silangan Reformation Center center na proyekto ng Provincial Gov’t at ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Ito ang kauna-unahang reformation facility sa probinsya ng Romblon.
Dinaluhan ni PDEA Mimaropa Assistant Regional Director Donelyn Hemedez at Vice Governor Armando Gutierrez ang pagbubukas ng nasabing gusali na magsisilbing reformation center ng mga taong nalulong sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.
Sa isang pahayag naman ni Romblon governor Jose Riano, sinabi nito na maisasakatuparan na ang prinsipyo ng Probinsya pagdating sa paglaban sa mga iligal na droga.
Nagpasalamat rin ito sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na nakilahok sa pagpaplano ng programa. Inaasahang may mga inisyal na clients na ang Balay Silangan kung saan mananatili sila rito bago matanggal sa drug watchlist ng pamahalaan.
Ang pagpapatupad ng Balay Silangan program ay alinsunod sa regulasyon ng Dangerous Drugs Board.
Nagkaroon rin pirmahan ng memorandum of agreement na sinaksihan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.