Nasabat ng mga tauhan ng Coast Guard Sub Station Cajidiocan at Magdiwang sa tulung ng Department of Environment and Natural Reources ang aabot sa 10 pirasong pinutol na kahoy na inabandona sa Barangay Mabolo sa San Fernando, Sibuyan Island.
Ayon sa ulat ng Coast Guard District Southern Tagalog, July 7 nang magsagawa sila ng operation kasunod nang natanggap nilang intelligence reports.
Sampung pirasong pinutol na Lauan tree ang kanilang nakuha na may suklat na 128 board feet at may market value na nagkakahalaga ng halos P6,400.
Sinabi ng Coast Guard na ang lugar sa Barangay Mabolo ang pinagtatabakan ng mga pinutol na kahoy bago dalhin ito sa Boracay island.
Samantala, wala namang nahuling personalidad na posibleng sangkot sa mga nakumpiskang puno.