Isinagawa kamakailan ang final offshore survey sa ground zero ng pinaglubugan ng MT Princess Empress sa pangunguna ng Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang Provincial Disaster Risk Reduction ang Management Office (PDRRMO) at kinatawan ng iba pang konsernadong ahensiya ng pamahalaan na katuwang sa pagtugon sa insidente ng oil spill sa lalawigan.
Nakasaad sa Facebook post ng Provincial Information Office of Oriental Mindoro, ang layunin ng naturang gawain ay upang makita ang sitwasyon at kalagayan sa lugar ng ground zero at magkaroon ng assessment na kinakailangan sa gagawing rekomendasyon sa demobilization at terminasyon ng offshore oil spill response.
Samantala, nananatili pa rin ang fishing ban sa mga baybayin ng bayan ng Pola habang 12 bayan naman ang bukas na sa pangingisda gayundin ang mga water activities at iba pang may kaugnayan sa turismo. (DN/PIA MIMAROPA – Oriental Mindoro)