Kanselado ang biyahe ngayong araw ng Montenegro Shipping Lines galing Romblon patungong Batangas at pabalik dahil sa bantay ng bagyong #EgayPH na nakataas sa ilang bayan sa Romblon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa mga bayan ng Banton, Corcuera, Romblon, Magdiwang, Cajidiocan at San Fernando sa probinsya ng Romblon.
Huling namataan ang sentro ng bagyong Egay sa 525km East ng Baler, Aurora taglay ang lakas ng hangin na 150km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 185km/h.
Hindi inaasahang mag-landfall sa probinsya ng Romblon ang bagyo.
Naka-monitor na ang mga opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction and Managemnent Office sa mga lugar na may storm signal para sa posibleng epekto sa kanila ng bagyong Egay.
Sa ngayon, makulimlim ang nararanasang panahon sa kalakhang Romblon.